CALNO
Isang lunsod na binanggit sa hula ni Isaias tungkol sa paghahambog ng mga Asiryano sa kanilang panlulupig at sa kawalang-saysay ng pagsalansang sa kanilang lakas. (Isa 10:5, 9-11) Para sa karamihan ng mga iskolar, ang Calno ay isa pang baybay ng Calne. (Am 6:2) Ang pagbanggit sa Calno kasama ng Carkemis ay kasuwato ng pag-uugnay ng Calne sa Kullani, na nabanggit sa mga tekstong Asiryano at nasa pagitan ng Carkemis at ng Aleppo. Ang Kullani ay nilupig ni Tiglat-pileser III, isang kapanahon ni Haring Menahem ng Israel.