Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Cana”
  • Cana

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Cana
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Ikalawang Himala sa Cana
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Ang Ikalawang Himala Samantalang Nasa Cana
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Ang Ikalawang Himala sa Cana
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Ang Kaniyang Unang Himala
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Cana”

CANA

[malamang na mula sa Heb. na qa·nehʹ, “tambo,” samakatuwid, Dako ng mga Tambo].

Ang bayan ni Natanael. (Ju 21:2) Maliwanag na ikatlong araw pa lamang mula noong ipakilala si Natanael kay Jesus at maging alagad nito nang si Jesus ay pumunta sa Cana at dumalo sa isang piging ng kasalan, na dinaluhan din ng kaniyang ina at mga kapatid. Dito isinagawa ni Jesus ang kaniyang unang makahimalang tanda nang gawin niyang mainam na alak ang tubig. Mula rito, siya at ang kaniyang pamilya at mga alagad ay “bumaba sa Capernaum.” (Ju 1:43-49; 2:1-12) Nang maglaon, nang si Jesus ay muling pumunta sa Cana, nilapitan siya ng isang tagapaglingkod ng hari, na nagsumamo sa kaniya na “bumaba” siya sa Capernaum upang pagalingin ang anak na lalaki nito na mamamatay na. Isinagawa ni Jesus ang pagpapagaling nang hindi nagtutungo roon.​—Ju 4:46-54.

Ang bayang ito ay tinawag na “Cana ng Galilea” sa dalawang pangyayaring nabanggit, maliwanag na upang ipakitang naiiba ito sa Kana na nasa Aser. (Jos 19:28) Ang Kafr Kanna, isang bayan na 6.5 km (4 na mi) sa HS ng Nazaret, ang kinikilalang lugar ng sinaunang Cana. Doon, may mga bukal na naglalaan ng sapat na suplay ng tubig. Gayunman, para sa mga leksikograpo, napakalayong mangyari na ang anyong Kanna ay nanggaling sa Cana, partikular na dahil sa dobleng “n.” Malamang na kaya ipinapalagay na Kafr Kanna ang lokasyon ng sinaunang Cana ay sapagkat madali itong marating ng mga peregrinong nagmula sa Nazaret, kaya naman pabor dito ang tradisyon ng simbahan.

Subalit ang mga opinyon at mga katibayan ay mas pumapabor na iugnay ang Cana sa Khirbet Qana, mga 13 km (8 mi) sa H ng Nazaret. Dito, ang mga guho ng isang sinaunang nayon ay matatagpuan sa isang burol sa gilid ng Kapatagan ng Asochis, na sa makabagong panahon ay tinatawag na el-Battuf (Biqʽat Bet Netofa). Sagana ang tambo sa isang malating kapatagan na kalapit nito, kaya naman angkop na angkop ang pangalang Cana. Sa wikang Arabe, kilala pa rin ito bilang Qana el-Jelil, na katumbas ng Cana ng Galilea. Sinabi ni Josephus, Judiong istoryador noong unang siglo C.E., na nanirahan siya “sa isang nayon ng Galilea na tinatawag na Cana” at nang maglaon ay binanggit niya “ang malaking kapatagan, tinatawag na kapatagan ng Asochis, kung saan naroroon ang aking tuluyan.” (The Life, 86 [16]; 207 [41]) Pinapaboran din ng testimonyong ito ang palagay na ang lokasyon ng Cana ng Galilea ay nasa Khirbet Qana, sa halip na sa Kafr Kanna. Bagaman walang bukal na matatagpuan sa Khirbet Qana, ang mga guho ay kakikitaan ng mga labí ng mga sinaunang imbakang-tubig; ayon sa ulat, mayroon ding natagpuan doon na mga basag na palayok (mga bibinga ng mga sisidlang luwad), at mga barya na pinaniniwalaang mula pa noong unang siglo C.E.​—LARAWAN, Tomo 2, p. 738.

Noong sinaunang mga panahon, may lansangang bumabagtas sa Khirbet Qana pababa sa mga baybayin ng Dagat ng Galilea at sa kahabaan ng dalampasigan patungong Capernaum, na mga 206 na m (676 na piye) ang kababaan mula sa kapantayan ng dagat; dito nag-ugat ang pananalitang “bumaba” sa Capernaum. (Ju 4:47) Kung tatahakin ang daang iyon, ang distansiya ay mga 40 km (25 mi).

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share