Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Uling, Baga”
  • Uling, Baga

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Uling, Baga
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Panggatong
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Baga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Pagdadalisay, Tagapagdalisay
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Uling, Baga”

ULING, BAGA

Ang uling ay ang maitim, marupok, at magaspang na anyo ng karbon, at kadalasa’y labí ng sinunog na kahoy. Upang makagawa ng uling noong sinaunang panahon, isang bunton ng kahoy ang tinatabunan ng lupa at dahan-dahang sinusunog sa loob ng ilang araw, anupat may sapat lamang na hangin upang masunog at sumingaw ang mga gas. Ang prosesong ito ay nakalilikha ng isang dalisay na anyo ng karbon. Kailangan dito ang maraming panahon at maingat na pagbabantay. Gayunpaman, ang uling na produkto nito ang mas pinipiling gamitin bilang panggatong kapag kailangan ang matinding init na tuluy-tuloy at walang usok. Walang katibayan na gumamit ng likas na mineral na coal sa sinaunang Israel.

Ang baga o nagniningas na uling, sa sigâ man o sa isang brasero, ay ginagamit na pampainit kapag malamig ang panahon. (Isa 47:14; Jer 36:22; Ju 18:18) Ang pantay-pantay na init ng baga na walang liyab at usok ay tamang-tama rin para sa pagluluto. (Ju 21:9) Kailangang-kailangan ang uling o mga baga sa pagtunaw at pagdadalisay ng mga metal; kung wala ang mga ito, halos imposibleng maabot at mapanatili ang matataas na temperaturang kailangan upang matunaw ang mga inambato (ore) at maging taganas na metal. (Isa 44:12; 54:16; tingnan ang PAGDADALISAY, TAGAPAGDALISAY.) Ganito rin ginagatungan ang mga hurnuhan ng bakal sa ngayon, anupat inilalagay ang inambato sa pagitan ng mga suson ng baga. Lumilitaw na sa pamamaraang ito nagmula ang ganitong kawikaan: Ang pagpapakita ng kabaitan sa isang kaaway ay tulad ng pagbubunton ng maaapoy na baga sa kaniyang ulo; pinalalambot nito ang kaniyang galit at pinalilitaw ang kaniyang mabubuting katangian. (Kaw 25:22; Ro 12:20) Ginamit ng “babaing marunong” na taga-Tekoa ang ilustrasyon ng aandap-andap na ningas ng mga baga upang lumarawan sa kaniyang natitirang supling na magpapatuloy ng kaniyang angkan.​—2Sa 14:1-7.

Gaya ng makikita sa mga talatang nabanggit na, ang mga salitang Hebreo na ga·cheʹleth at pe·chamʹ ay hindi laging isinasalin bilang “uling,” sapagkat kadalasa’y tumutukoy ang mga ito sa mga baga o nagniningas na mga baga. Noon, kahoy ang ginagamit na panggatong sa altar ng tabernakulo (Lev 1:7, 8; 3:5), at kapag Araw ng Pagbabayad-Sala, ang usok ng insenso ay kumakalat sa ibabaw ng kaban ng tipan dahil sa “nagniningas na baga ng apoy mula sa altar.” (Lev 16:12, 13) Inilarawan ni Isaias ang isang mananamba sa idolo na gumawa ng isang diyos mula sa isang punungkahoy at pagkatapos ay ginamit niya ang tirang kahoy upang magpaliyab ng apoy na ang mga baga niyaon ay pinaglutuan niya ng kaniyang tinapay.​—Isa 44:14, 15, 19.

Sa maraming talata ng Kasulatan, ang mga “baga” ay ginagamit sa tila makasagisag o makatalinghagang diwa, anupat tumutukoy sa anumang substansiyang nagbabaga, mainit, at nagniningas. (2Sa 22:9; Job 41:21; Aw 18:8, 12, 13; 140:10; Eze 1:13; 10:2; 24:11) Ginamit ang mainit at “nagniningas na mga baga ng mga punong retama” upang lumarawan sa kagantihang sasapit sa isa na may “mapandayang dila.”​—Aw 120:2-4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share