KEPIRA
[Nayon].
Isang Hivitang lunsod (Jos 9:7, 17). Isa ito sa apat na lunsod na nagpadala ng Gibeonitang mga embahador na nagpanggap na mula sa isang malayong lupain. Sa pamamagitan ng panlilinlang na ito ay nakumbinsi nilang makipagtipan sa kanila ang mga Israelita sa ilalim ni Josue. (Jos 9:3-27) Sa ngayon, madaling makilala ang Kepira dahil iniuugnay ito sa malawak na kaguhuan sa Khirbet Kefireh, 7 km (4.5 mi) sa KTK ng el-Jib (Gibeon) sa taluktok ng dati’y baytang-baytang na mga pader na pandepensa. Ang estratehikong posisyon ng Kepira ay nagsilbing pananggalang ng Gibeon laban sa pagsalakay ng mga kaaway mula sa kanluran. Noong panahong ipinamamahagi ang lupain, ang Kepira ay napunta sa mana ng Benjamin (Jos 18:26), at pagkatapos ng pagkatapon, kasama ito sa mga lunsod na muling pinamayanan.—Ezr 2:1, 25; Ne 7:29.