KISLOT-TABOR
[Mga Balakang [samakatuwid nga, mga dalisdis] ng Tabor].
Isang lunsod na nagsilbing hangganan ng Zebulon. Lumilitaw na ang pangalang ito ay ibang anyo ng Kesulot. (Jos 19:12, 18) Karaniwang ipinapalagay na ito ay ang Iksal (Kislot Tavor), na 3 km (2 mi) sa TS ng Nazaret at nasa paanan ng Bundok Tabor, na maaaring pinagkunan ng pangalan nito.