DABESET
[Umbok].
Isang bayan ng Zebulon. (Jos 19:11) Hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon nito; gayunman, lumilitaw na ang kinaroroonan ng Tell esh-Shammam (Tel Shem), mga 5 km (3 mi) sa S ng Jokneam sa Kapatagan ng Jezreel, ay katugma ng konteksto sa Bibliya.