DIMNA
Maliwanag na ito rin ang Rimon (Jos 19:13) at Rimono (1Cr 6:77), isang lunsod sa S hanggahan ng teritoryo ng Zebulon na ibinigay sa mga Meraritang Levita. (Jos 21:34, 35) Ipinapalagay ng karamihan na ang Dimna ay ang makabagong Rummana (Rimon) na mga 10 km (6 na mi) sa H ng Nazaret.