DIOTREPES
[Pinakain ni Zeus].
Isang lalaking binanggit ng apostol na si Juan sa kaniyang liham kay Gayo. Bukod sa pagiging ambisyoso, palalo, walang-galang sa awtoridad ng mga apostol, mapaghimagsik, at di-mapagpatuloy, sinikap ni Diotrepes na hadlangan ang mga nais magpakita ng pagkamapagpatuloy sa mga kapatid at palayasin ang mga ito sa kongregasyon.—3Ju 9, 10.