ELEALE
Isang lugar na laging binabanggit kasama ng Hesbon at nasa pastulang lupain sa S ng Jordan. Ang lunsod na ito ay “itinayo” (o muling itinayo) ng tribo ni Ruben di-nagtagal matapos itong lupigin. (Bil 32:3-5, 37) Pagkaraan ng ilang siglo, noong ito ay nasa ilalim ng kontrol ng Moab, humula sina Isaias at Jeremias na ang Eleale ay ‘hihiyaw’ dahil sa pagbagsak ng bansang iyon. (Isa 15:4; 16:9; Jer 48:34) Ipinapalagay na ito ay nasa ibabaw ng isang burol sa el-ʽAl, na mga 3 km (2 mi) sa HS ng Hesbon.