ELEASA
[Diyos ang Gumawa].
1. Anak ni Helez at ama ni Sismai, isang inapo ni Juda sa pamamagitan ni Jerameel. Si Jarha, isang aliping Ehipsiyo na napangasawa ang anak ng kaniyang panginoon na si Sesan, ay isa sa mga ninuno ni Eleasa.—1Cr 2:33, 34, 39, 40.
2. Isang inapo ni Jonatan na anak ni Haring Saul.—1Cr 8:33-37; 9:39-43.
3. Isang saserdote na mula “sa mga anak ni Pasur” at kabilang sa mga nakinig sa payo ni Ezra na paalisin ang kanilang mga asawang banyaga.—Ezr 2:36, 38; 10:22, 44.