ELHANAN
[Ang Diyos ay Nagpakita ng Lingap; Ang Diyos ay Nagmagandang-loob].
1. Ang anak ni Jair na nagpabagsak kay Lami na kapatid ni Goliat na Giteo sa isang pakikipagdigma laban sa mga Filisteo. (1Cr 20:5) Sinasabi sa 2 Samuel 21:19 na si Elhanan ay “anak ni Jaare-oregim na Betlehemita” at na pinabagsak niya si Goliat. Gayunman, ipinapalagay ng maraming iskolar na ang orihinal na mababasa sa 2 Samuel 21:19 ay katugma ng 1 Cronica 20:5, anupat nagkaroon ng mga pagkakaiba ang dalawang teksto dahil sa pagkakamali ng eskriba.—Tingnan ang JAARE-OREGIM; LAMI.
2. Anak ni Dodo ng Betlehem; isa sa makapangyarihang mga lalaki ni David.—2Sa 23:24; 1Cr 11:26.