Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Eliasap”
  • Eliasap

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Eliasap
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Lael
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Gersonita, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Deuel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Reuel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Eliasap”

ELIASAP

[Ang Diyos ay Nagdagdag (Nagparami)].

1. Anak ni Deuel (o Reuel) na mula sa tribo ni Gad; isa sa 12 pinuno na pinili ni Jehova upang tumulong kina Moises at Aaron sa pagkuha ng kabuuang bilang ng mga lalaki para sa hukbo. (Bil 1:1-4, 14; 2:14) Si Eliasap ang namahala sa hukbo ng kaniyang tribo, na isang bahagi ng tatlong-tribong pangkat ng kampo ni Ruben. (Bil 2:10-15; 10:18-20) Bukod sa pakikibahagi sa panggrupong paghahandog ng mga pinuno pagkatapos na maitayo ang tabernakulo, naghandog pa si Eliasap ng kaniyang sariling handog noong ikaanim na araw para sa pagpapasinaya ng altar.​—Bil 7:1, 2, 10, 42-47.

2. Anak ni Lael at pinuno ng sambahayan ng mga Gersonita sa panig ng ama. Sa ilalim ng pangangasiwa ni Eliasap, ang mga Gersonita ang bumubuhat sa mga pantakip ng tolda at sa pantabing ng pasukan ng tabernakulo, gayundin sa pantabing ng pasukan ng looban, sa mga tabing ng looban, at sa mga pantoldang panali.​—Bil 3:21-26.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share