ELIOENAI
[pinaikling anyo ng Elieho-enai].
1. Isang anak ni Nearias at ninuno ni Haring Solomon. Si Elioenai ang ama nina Hodavias, Eliasib, Pelaias, Akub, Johanan, Delaias, at Anani.—1Cr 3:10, 23, 24.
2. Isang pinuno mula sa tribo ni Simeon.—1Cr 4:24, 36-38.
3. Isang anak ni Beker at inapo ni Benjamin.—1Cr 7:6, 8.
4. Isang saserdote mula sa “mga anak ni Pasur” na kabilang sa mga nakinig sa payo ni Ezra na paalisin ang kanilang mga asawang banyaga.—Ezr 2:36, 38; 10:18, 19, 22.
5. Isang inapo ni Zatu. Si Elioenai ay kabilang sa mga nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga noong panahon ni Ezra.—Ezr 10:27, 44.
6. Isa sa mga saserdote na may mga trumpeta at nasa prusisyong isinaayos ni Nehemias sa pagpapasinaya ng pader ng Jerusalem.—Ne 12:27, 31, 40, 41.