ELISAPAN, ELSAPAN
[Ang (Aking) Diyos ay Nagkubli (Nag-ingat)].
1. Ang anak ng tiyo ni Aaron na si Uziel, na bumuhat, kasama ng kapatid nitong si Misael, ayon sa tagubilin ni Moises, sa mga bangkay nina Nadab at Abihu patungo sa labas ng kampo. (Exo 6:22; Lev 10:4; Bil 3:30) Si Elisapan ang ulo ng angkan ng isang Levitikong pamilya, na ang mga miyembro ay espesipikong binanggit sa Bibliya na naglilingkod noong panahon ng mga paghahari nina David at Hezekias.—1Cr 15:8; 2Cr 29:13.
2. Ang anak ni Parnac at ang pinuno ng mga anak ni Zebulon na kabilang sa mga inatasan, ayon sa tagubilin ni Jehova, na maghati-hati ng Lupang Pangako sa mga bahaging mana.—Bil 34:25.