EL-PARAN
[Malaking Punungkahoy ng Paran].
Lumilitaw na ito ang pinakatimugang dako na narating ni Kedorlaomer at ng kaniyang mga kaalyado nang salakayin nila ang Canaan. (Gen 14:5, 6) Yamang inilarawan ito bilang “nasa ilang” o “nasa hanggahan ng ilang” (RS), lumilitaw na ito ay nasa silanganing gilid ng “ilang ng Paran.” (Gen 21:21) Ipinapalagay ng ilang iskolar na ang El-paran ay isang sinaunang pangalan para sa Elat.