Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Nakapaloob na Lunsod, Mga”
  • Nakapaloob na Lunsod, Mga

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nakapaloob na Lunsod, Mga
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Manases
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Hangganan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Lunsod ng mga Levita, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Tribo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Nakapaloob na Lunsod, Mga”

NAKAPALOOB NA LUNSOD, MGA

Mga lunsod ng isang partikular na grupo ng mga tao o tribo na nasa loob ng teritoryo ng ibang tribo. Kabilang sa makabagong-panahong mga halimbawa ng nakapaloob na mga lugar ay ang Kanlurang Berlin na napalilibutan noon ng teritoryo ng Silangang Alemanya, at ang lupaing ibinigay sa Nagkakaisang mga Bansa na lubusang nakapaloob naman sa New York City. Sa loob ng apat na siglo, isang bahagi ng sinaunang Jerusalem ang nanatiling isang nakapaloob na Jebusitang lunsod sa teritoryo ng Israel hanggang noong tuluyan itong bihagin ni David.​—Jos 15:63; Huk 1:21; 19:11, 12; 2Sa 5:6-9.

Nang hati-hatiin ang Lupang Pangako sa 12 tribo, nagkaroon ng mga lunsod na nasa loob ng kalakhang teritoryo ng isang tribo ngunit hawak naman ng ibang tribo. Ayon sa Josue 16:9, “ang mga anak ni Efraim ay nagkaroon ng mga nakapaloob [o, “nakahiwalay; nakabukod”] na lunsod sa gitna ng mana ng mga anak ni Manases” (tlb sa Rbi8), samakatuwid nga, “mga bayan na nakatalaga para sa mga Efraimita sa loob ng mana ng mga anak ni Manases.” (JB; tingnan din ang Jos 17:8, 9.) Ang ilan sa mga anak ni Manases ay tumahan sa mga bayan na nasa loob ng mga hangganan ng Isacar at ng Aser.​—Jos 17:11; 1Cr 7:29.

Ang mana ng Simeon ay binubuo ng mga lunsod na nasa loob ng teritoryo ng Juda, dahil ang takdang bahagi ng huling nabanggit ay “napakalaki para sa kanila.” (Jos 19:1-9; MGA MAPA, Tomo 1, p. 744, 947) Ang 48 lunsod na pinangasiwaan ng mga Levita, kabilang na rito ang 6 na kanlungang lunsod, ay pawang nakapaloob sa teritoryo ng ibang mga tribo. (Jos 21:3-41) Sa ganitong paraan natupad ang hula ni Jacob bago siya mamatay may kinalaman kina Simeon at Levi, na ‘magkakaroon sila ng bahagi sa Jacob, ngunit pangangalatin sila sa Israel.’​—Gen 49:7.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share