EN-RIMON
[Bukal ng Puno ng Granada].
Isang lunsod ng Juda na pagkatapos ng pagkatapon ay binanggit na tinirahan ng mga anak ni Juda. (Ne 11:25, 29) Ang pangalan nito ay kombinasyon ng Ain at Rimon na binanggit sa Josue 15:32 at 19:7 at 1 Cronica 4:32. Sa ngayon, karaniwang ipinapalagay na ito ay ang Khirbet Umm er-Ramamin, na mga 15 km (9 na mi) sa dakong H ng Beer-sheba.