EPRON, II
1. [mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “bata[ng lalaking usa]”]. Isang anak na Hiteo ni Zohar at may-ari ng isang parang sa Macpela na nasa tapat ng Mamre, samakatuwid nga, sa Hebron. Binili ni Abraham ang parang na ito mula kay Epron, kasama ang yungib na naroon, bilang isang dakong libingan para sa kaniyang asawang si Sara. (Gen 23:3-20) Nagbayad si Abraham ng 400 siklong pilak (mga $880) para sa libingang ito ng pamilya, ngunit pagkaraan ng mahabang panahon ay tinatawag pa rin itong “parang ni Epron.”—Gen 25:9; 49:29, 30; 50:13.
2. [Dako ng Alabok]. Isang tagaytay ng bundok na nasa pagitan ng Neptoa at Kiriat-jearim. (Jos 15:9) Ito ay nasa hilagaang hangganan ng tribo ni Juda.
3. Ang “Epron” ay lumilitaw sa 2 Cronica 13:19 sa tekstong Masoretiko gayundin sa Griegong Septuagint at sa iba pang mga bersiyon; gayunpaman, ang panggilid na impormasyon sa tekstong Masoretiko ay kababasahan ng “Efrain.”—Tingnan ang EFRAIN.