ESTAOL
[posible, Dako ng Pagsangguni [sa Diyos]].
Isang lunsod sa Sepela at iniatas sa Juda. (Jos 15:20, 33) Nang maglaon ay itinala ito bilang isang bayan sa hanggahan ng Dan. (Jos 19:40, 41) Sa lugar na ito pinasimulang udyukan ng espiritu ni Jehova si Hukom Samson, at nang mamatay siya ay dito siya inilibing. (Huk 13:25; 16:31) Sa Estaol at Zora nagmula ang 5 Danita na naniktik sa Lais at ang 600 na bumihag sa lugar na iyon nang dakong huli.—Huk 18:1, 2, 7, 11, 27.
Karaniwang ipinapalagay ng mga iskolar na ang Estaol ay ang makabagong-panahong lugar ng Eshwaʽ (Eshtaʼol) na bahagyang pinaninirahan. Ito’y nasa isang mataas na bato na mga 21 km (13 mi) sa K ng Jerusalem.