ESTEMOA, ESTEMO
[posible, Dako ng Pakikinig [samakatuwid nga, sa salita ng Diyos]].
1. Anak ni Isba o, posible, isang Judeanong bayan na ang karamihan sa mga naninirahan doon ay nagmula kay Isba.—1Cr 4:17.
2. Isang Maacateo at inapo ni Hodias.—1Cr 4:19.
3. Isang bayan sa bulubunduking pook ng Juda. Tinatawag din itong Estemo. Bagaman ito ay orihinal na nakaatas sa Juda, nang maglao’y itinakda ito sa mga Levita, kasama ang mga pastulan nito. (Jos 15:50; 21:14; 1Cr 6:57) Tumutugma ito sa makabagong nayon ng es Samuʽ (Estemoaʽ), na mga 15 km (9 na mi) sa TTK ng Hebron. Marahil ay ito rin ang Blg. 1.
Ang Estemoa ay isa sa mga lugar na malimit puntahan ni David noong siya’y isang takas. Pagkatapos niyang magtagumpay laban sa mga mandarambong na mga Amalekita, mula sa mga samsam ay nagpadala siya ng kaloob sa kaniyang mga kaibigan sa lugar na ito.—1Sa 30:26-28.