Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Eutico”
  • Eutico

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Eutico
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Kailan Tayo Dapat Manatiling Gising
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • “Ako ay Malinis sa Dugo ng Lahat ng Tao”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
  • Isang Batang Nakatulog
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Troas
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Eutico”

EUTICO

[Mapalad; Matagumpay].

Isang kabataang lalaki sa Troas na siyang kahuli-hulihang taong iniulat sa Kasulatan na makahimalang binuhay-muli. Noong dumalaw si Pablo sa Troas sa kaniyang ikatlong paglalakbay bilang misyonero, pinahaba niya ang kaniyang diskurso sa mga kapatid hanggang hatinggabi. [Ipinagpatuloy sa pahina 753] [Karugtong ng pahina 736] Palibhasa’y nadaig ng pagod at posibleng ng init ng maraming lampara at ng siksikang kalagayan sa itaas na silid, si Eutico ay nakatulog nang mahimbing at nahulog mula sa bintana sa ikatlong palapag. Ang manggagamot na si Lucas, ang manunulat ng Mga Gawa at lumilitaw na isang saksi sa pangyayari, ay nag-ulat na hindi lamang walang-malay si Eutico kundi “patay na nang buhatin.” Bilang pagsunod sa pamamaraan na katulad niyaong kay Eliseo sa pagbuhay-muli sa anak ng Sunamita, dumapa si Pablo sa ibabaw ni Eutico at niyakap ito. Ang mga salita ni Pablo na, “Tigilan ninyo ang pagkakaingay, sapagkat ang kaniyang kaluluwa ay nasa kaniya,” ay nagpapahiwatig na naisauli ang buhay ni Eutico.​—Gaw 20:7-12; tingnan din ang 2Ha 4:34.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share