Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Pangingikil”
  • Pangingikil

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pangingikil
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Maniningil ng Buwis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • “Lakasan Mo ang Loob Mo!”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
  • Zaqueo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Felix
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Pangingikil”

PANGINGIKIL

Ang akto o gawain ng pagkuha o pagtatamo ng anumang bagay mula sa isang tao nang laban sa kaniyang kalooban sa pamamagitan ng ilegal na paggamit ng pananakot, sa pamamagitan man ng pamimilit, pagbabanta, o anupamang di-matuwid na paggamit ng kapangyarihan. Ang saligang diwa ng salitang Griego na isinalin bilang “mangingikil” (harʹpax) ay “mang-aagaw.” (1Co 5:10, Int) Paulit-ulit na nagbababala ang Bibliya laban sa anumang paghahangad ng di-tapat na pakinabang, lalo na roon sa mga may mabigat o opisyal na posisyon.​—Exo 18:21; Kaw 1:19; 15:27.

Gayunpaman, sa ilalim ng pamamahala ng Roma sa Palestina, ang mga Judiong maniningil ng buwis ay madalas magkasala ng pangingikil. Dahil sa kanilang posisyon, nagkaroon sila ng maraming oportunidad upang payamanin sa di-makatarungang paraan ang kanilang sarili (at walang alinlangang pati ang kanilang mga panginoong Romano), sa ikalulugi naman ng taong-bayan. Maaaring ito ang tinutukoy ni Jesus sa isang ilustrasyon nang banggitin niya ang tungkol sa isang mapagmatuwid-sa-sariling Pariseo na nanalangin sa tabi ng isang maniningil ng buwis at pumuri sa kaniyang sarili sa Diyos dahil hindi siya isang mangingikil. (Luc 18:11) Nang lumapit kay Juan na Tagapagbautismo ang mga maniningil ng buwis upang magtanong kung ano ang dapat nilang gawin, pinayuhan sila: “Huwag kayong sumingil ng anumang higit kaysa sa takdang buwis.”​—Luc 3:13.

Noong inaasikaso niya si Jesus na naging panauhin niya sa kaniyang tahanan, si Zaqueo, isang mayamang punong maniningil ng buwis, ay nagsisi at tumalikod sa kaniyang masamang landasin, na sinasabi: “Anumang kinikil ko kaninuman sa pamamagitan ng bulaang akusasyon ay isasauli kong makaapat na ulit.” (Luc 19:2, 8; tingnan ang AKUSASYON.) Gayunman, sa gayong mga kaso kung saan pinagsisihan at inamin ang pagkakasala, 120 porsiyento lamang ang kahilingan ng Kautusan na isauli sa taong dinaya.​—Lev 6:2-5.

Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang pangingikil ay nakatala kasama ng pakikiapid, pangangalunya, idolatriya, kasakiman, pagnanakaw, paglalasing, panlalait, at homoseksuwalidad bilang mga bagay na hahadlang upang ang isa na nagsasagawa ng mga ito ay huwag makapasok sa Kaharian ng Diyos. Nang sumulat siya sa kongregasyon sa Corinto, sinabi ng apostol na si Pablo na ang ilan sa kanila roon ay dating gumagawa ng gayong mga bagay, ngunit noon ay hinugasan na silang malinis. Dahil dito, bagaman hindi nila maiiwasang makahalubilo ang gayong uri ng mga tao sa sanlibutan, dapat nilang tigilan ang pakikisalamuha sa gayong mga tao na nag-aangking “kapatid,” at dapat nilang alisin ang mga iyon mula sa kongregasyon.​—1Co 5:9-11; 6:9-11.

Makikita sa kaso ng apostol na si Pablo kung ano ang saloobin ng Kristiyano hinggil sa pagbabayad ng suhol kapag ang isa’y kinikikilan. Tinangka ng Romanong gobernador na si Felix na mangikil ng salapi kay Pablo sa pamamagitan ng pagpapalawig sa pagkakakulong ni Pablo sa bilangguan nang dalawang taon. Batid ni Pablo ang bagay na ito, ngunit hindi siya nagbigay ng anuman kay Felix. Nang bandang huli, si Felix ay hinalinhan ni Gobernador Festo sa kaniyang katungkulan.​—Gaw 24:26, 27.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share