EZER
1. [posible, Mag-imbak]. Isa sa mga Horitang shik sa lupain ng Seir. (Gen 36:20, 21, 30) Nang dakong huli, ang mga Horita ay itinaboy at nilipol ng mga anak ni Esau. (Deu 2:22) Sa kasong ito, ang pangalang Ezer ay posibleng nangangahulugang “Mag-imbak,” dahil sa pagkakaiba ng baybay sa orihinal na Hebreo. Sa 1 Cronica 1:38, may-kamalian itong inilimbag bilang “Ezar” sa maraming makabagong edisyon ng King James Version, bagaman wasto ang baybay nito sa edisyon ng 1611 at maging sa iba pang mga unang edisyon.
[2-6: Tulong]
2. Malamang na isang anak ni Efraim na pinatay kasama ng kaniyang kapatid na si Elead ng mga lalaki ng Gat “sapagkat bumaba sila upang kunin ang kanilang mga alagang hayop.”—1Cr 7:20, 21.
3. Isang anak ni Hur na mula sa tribo ni Juda, at “ama” ni Husa. Ang Husa ay alinman sa isang tao o isang bayan ng Juda.—1Cr 4:1, 4; tingnan ang HUSA.
4. Ang pinuno ng 11 magigiting na Gadita na bumukod at pumanig kay David sa ilang habang hindi pa ito makakilos dahil kay Saul. Yamang siya ang ulo, maliwanag na si Ezer ang pinakadakila at sa gayon ay ‘katumbas ng isang libo.’—1Cr 12:1, 8, 9, 14.
5. Ang anak ni Jesua, isang prinsipe ng Mizpa, na nakibahagi sa pagkukumpuni ng isang bahagi ng pader ng Jerusalem sa ilalim ni Nehemias noong 455 B.C.E.—Ne 3:19.
6. Isa sa mga saserdote sa prusisyong isinaayos ni Nehemias sa pagpapasinaya ng muling-itinayong pader ng Jerusalem noong 455 B.C.E.—Ne 12:31, 41, 42.