GAREB
[Langibin].
1. Isa sa makapangyarihang mga lalaki ni David. Siya’y isang Itrita na mula sa tribo ni Juda.—2Sa 23:8, 38; 1Cr 2:4, 5, 18, 19, 50, 53; 11:26, 40.
2. Isang burol na binanggit sa isang hula ng pagsasauli na isinulat ni Jeremias (31:39). Maliwanag na tumutukoy ito sa kanluraning hangganan ng muling-itinayong lunsod ng Jerusalem. Hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon nito.