Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Gat-rimon”
  • Gat-rimon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gat-rimon
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Ibleam
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Bileam
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Elteke(h)
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Bet-dagon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Gat-rimon”

GAT-RIMON

[Pisaan ng Ubas sa Tabi ng Puno ng Granada].

1. Isang lunsod ng Dan (Jos 19:40, 41, 45) na iniatas sa mga Kohatitang Levita. (Jos 21:20, 23, 24) Batay sa 1 Cronica 6:66-70, waring ang Gat-rimon ay isang Efraimitang lunsod. Gayunman, salig sa katulad na ulat sa Josue 21:23, 24, naniniwala ang mga iskolar sa Hebreo na, dahil sa pagkakamali ng eskriba, isang bahagi ng teksto ang di-sinasadyang naalis at nawala. Kaya naman, iminumungkahi nila na isingit ang ganitong mga pananalita (katugma ng Jos 21:23) sa unahan ng 1 Cronica 6:69: “At mula sa tribo ni Dan, ang Elteke at ang pastulan nito, ang Gibeton at ang pastulan nito . . . ” Maaaring ito ang orihinal na mababasa sa teksto. Gayunman, hindi rin maipagwawalang-bahala ang posibilidad na ang Gat-rimon ay isang nakapaloob na Danitang lunsod sa teritoryo ng Efraim.

Karaniwang ipinapalagay na ang Gat-rimon ay ang Tell Jerisheh (Tel Gerisa), na mga 8 km (5 mi) sa HS ng makabagong Tel Aviv-Yafo.

2. Isang lunsod ng Manases na ibinigay sa mga Kohatitang Levita. (Jos 21:20, 25) Yamang ang nasa katulad na ulat sa 1 Cronica 6:70 ay “Bileam,” naniniwala ang maraming iskolar na ang huling nabanggit na pangalan ang orihinal na lumilitaw sa Josue 21:25 sa halip na Gat-rimon.​—Tingnan ang IBLEAM.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share