GEDERITA [Ng (Mula sa) Geder]. Isang termino na ikinapit kay Baal-hanan. (1Cr 27:28) Pinaniniwalaan na hinalaw ito sa pangalan ng kaniyang tinubuang lunsod, alinman sa Geder (Jos 12:13) o Gedera.—Jos 15:36.