GEDEROT
[Mga Kural na Bato].
Isang lunsod sa Sepela na iniatas sa Juda. (Jos 15:20, 33, 41) Isa ito sa mga lugar na kinuha ng mga Filisteo noong panahon ng paghahari ni Haring Ahaz (761-746 B.C.E.). (2Cr 28:18, 19) Ipinapalagay ng ilang heograpo na ang Gederot ay nasa kinaroroonan ng Qatra, isang tiwangwang na nayon sa isang gulod na nasa makabagong Gedera, mga 13 km (8 mi) sa SHS ng Asdod. Gayunman, may mga nagsasabing napakalayo nito sa K para masabing ito’y nasa Sepela.