GE-HARASIM
[Libis ng mga Bihasang Manggagawa].
Isang libis na ipinangalan sa komunidad ng mga bihasang manggagawa na naninirahan doon. (1Cr 4:14) Si Joab ang “ama,” o nagtatag, sa komunidad, gayunman maliwanag na hindi ito ang Joab noong panahon ni David. Tinirahan ito ng mga Benjamita pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya. (Ne 11:31, 35) Ipinapalagay ng ilang heograpo na ito ay nasa Wadi esh-Shellal, isang malapad na libis na may layong ilang milya sa TS ng Tel Aviv-Yafo. Ipinapalagay naman ng iba na ito ay ang Sarafand el-Kharab sa gawing TK ng unang binanggit na lugar.