GENUBAT
Anak ng Edomitang prinsipe na si Hadad. Nang sakupin ng pinuno ng hukbo na si Joab ang Edom noong panahon ng paghahari ni David, tumakas si Hadad patungong Ehipto. Doon ay natamo niya ang lingap ni Paraon, na ang hipag ay ibinigay sa kaniya bilang asawa. Naging anak ni Hadad sa babaing ito si Genubat, na pinalaking kasama ng mga anak ni Paraon.—1Ha 11:14-20.