GERSON
[Isang Naninirahang Dayuhan Doon].
Ang una sa nakatalang tatlong anak ni Levi. Ang mga inapo ni Gerson ay tinawag na mga Gersonita at “mga anak ni Gerson.” (Exo 6:16; Bil 3:17, 21; 7:7; 26:57; Jos 21:6, 27; 1Cr 6:1; 23:6) Tinatawag din siyang Gersom. (1Cr 6:16, 17, 20, 43, 62, 71; 15:7) Ang mga anak ni Gerson ay sina Libni (maliwanag na tinatawag na Ladan sa 1Cr 23:7; 26:21) at Simei.—Exo 6:17; Bil 3:18; 1Cr 6:17, 20.