GUDGODA
Isang kampamento ng mga Israelita sa ilang. Malamang na ito rin ang Hor-hagidgad. (Deu 10:6, 7; ihambing ang Bil 33:33.) May mga naniniwala na ang pangalang “Gudgoda” ay napanatili sa pangalang Wadi Khadakhid. Iminumungkahi nila na ang lugar na ito ay maaaring nasa Wadi Khadakhid, na mga 65 km (40 mi) sa HHK ng Gulpo ng ʽAqaba. Ngunit pinag-aalinlanganan ito, yamang ang mga katinig na Hebreo ng Gudgoda ay hindi katugma niyaong sa Khadakhid. Tungkol sa pagkakasunud-sunod ng mga lugar na pinagkampuhan ng mga Israelita ayon sa talaan sa Mga Bilang at Deuteronomio, tingnan ang BENE-JAAKAN.