HABOR
Isang lunsod o distrito kung saan ipinatapon ng Asiryanong hari na si Tiglat-pileser III ang maraming Israelita ng sampung-tribong kaharian. (1Cr 5:26) Iniuugnay ng ilang iskolar ang Habor na ito sa Abhar, na isang bayan na nasa Ilog Qezel Owzan ng HK Iran mga 210 km (130 mi) sa K ng Tehran. Sa 2 Hari 17:6 at 18:11, pinapaboran ng ilan ang saling “Habor, na ilog ng Gozan” (AS, RS), at iminumungkahi nila na iugnay ang Habor sa isang sangang-ilog ng Eufrates, ang Ilog Khabur ng TS Turkey at HS Sirya. Gayunman, kaayon ng 1 Cronica 5:26, ang pariralang ito sa halip ay maaaring isalin bilang “Habor sa [o, sa tabi ng] ilog ng Gozan.”—NW, Yg; tingnan ang GOZAN.