HAKOZ
[Ang Tinik].
Isang Aaronikong saserdote at ulo ng sambahayan sa panig ng ama na noong panahon ni David ay bumuo ng ika-7 sa 24 na pangkat ng mga saserdote.—1Cr 24:3-7, 10.
Pagkabalik mula sa Babilonya noong 537 B.C.E., ang “mga anak ni Hakoz” ay kabilang sa mga hindi naging kuwalipikado sa pagkasaserdote dahil hindi nila napatunayan ang kanilang talaangkanan. Kabilang sila sa mga pinagbawalang kumain mula “sa mga kabanal-banalang bagay hanggang sa tumayo ang isang saserdoteng may Urim at Tumim.” (Ezr 2:61-63; Ne 7:63-65) Isang inapo ni Hakoz ang espesipikong tinukoy na nakibahagi sa muling pagtatayo ng mga pader ng Jerusalem.—Ne 3:21.