HAMAT-ZOBA
Lumilitaw na ang lugar na ito’y nilupig ni Solomon at sa gayo’y binanggit sa kaisa-isang pakikipagbakang militar niya na tinukoy sa Kasulatan. (2Cr 8:3) Hindi tiyak ang eksaktong pagkakakilanlan ng Hamat-zoba. Maaaring ang Hamat at Zoba ay magkaratig na mga kaharian (ihambing ang 1Cr 18:9; 2Cr 8:4) at dito nagmula ang tambalang pangalan na “Hamat-zoba.” Ipinakikita ng 1 Cronica 6:78 na maaaring pagsamahin sa ganitong paraan ang dalawang magkalapit na heograpikong lokasyon. Ang literal na Hebreo ng tekstong ito ay kababasahan ng “Jordan Jerico,” o “Jordan ng Jerico,” at kadalasang isinasalin bilang “Jordan sa [sa tabi ng] Jerico.”—NW, RS, KJ.