MARTILYO
Isang kasangkapan na ginagamit bilang pamukpok at pambaón; isang malyete. Noon, ginagamit ang mga martilyo upang magbaón ng mga pako (Jer 10:4) at mga pantoldang tulos (Huk 4:21), sa pagtitibag bilang pambiyak ng mga bato sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagpukpok at maging sa paghubog at pagpapakinis ng mga bato para sa pagtatayo (1Ha 6:7), at sa paghubog ng metal, halimbawa ay sa paggawa ng mga idolo.—Isa 41:7; 44:12.
Kabilang ang bato, metal, at kahoy sa iba’t ibang materyales na ginagamit noon sa paggawa ng mga ulo ng martilyo. Malamang na yari sa kahoy ang martilyo, o malyete, na ginamit ni Jael upang itarak ang pantoldang tulos sa mga pilipisan ni Sisera.—Huk 4:21; 5:26.
Sa makasagisag na diwa, ang salita ng kahatulan ni Jehova ay inihahambing sa isang martilyong pampanday na dumudurog sa malaking bato. (Jer 23:29) Gayundin, sa kamay ni Jehova, ang Babilonya ay tulad ng martilyong pampanday na bumabasag sa mga bansa at mga kaharian.—Jer 50:23; ihambing ang Jer 25:8, 9, 17-26.