HAMOR
[Asnong Lalaki].
Isang Hivitang pinuno; ama ni Sikem. Binili ni Jacob sa mga anak ni Hamor ang isang bahagi ng lupain kung saan siya nagtolda at nang maglaon ay nagtayo ng isang altar. Matapos halayin ni Sikem ang anak ni Jacob na si Dina, kapuwa si Sikem at ang kaniyang amang si Hamor ay pinatay nina Simeon at Levi upang ipaghiganti ang kanilang kapatid.—Gen 33:18-20; 34:1, 2, 25, 26.