Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Gatil sa Likuran ng Binti”
  • Gatil sa Likuran ng Binti

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gatil sa Likuran ng Binti
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Kabayo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Wakas ng Lahat ng Masama
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Sinasaka Pa Rin Nila ang Lupa sa Pamamagitan ng mga Kabayo
    Gumising!—1996
  • Sumasayaw na mga Kabayo ng Karagatan
    Gumising!—2004
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Gatil sa Likuran ng Binti”

GATIL SA LIKURAN NG BINTI

Sa mga hayop na may apat na paa, ang mga gatil sa likuran ng mga binti ay ang mga litid sa itaas ng pinakasakong ng mga binti sa hulihan. Kapag pinutol ang mga litid na ito, ang hayop ay mapipilay, o malulumpo, at hindi na magagamit sa pagtatrabaho o pakikidigma. Sa kanilang sariling kagustuhan, ang mga anak ni Jacob na sina Simeon at Levi ay pumilay ng mga toro, malamang ay noong maghiganti sila sa mga Hivita ng Sikem. (Gen 49:5, 6) Pinilay ng mga Israelita ang mga kabayo ng kanilang mga kaaway sa digmaan. Noong minsan ay espesipikong tinagubilinan ni Jehova si Josue na gawin ito. (Jos 11:6, 9; 2Sa 8:3, 4; 1Cr 18:3, 4) Ito ang pinakasimpleng paraan upang hindi na magamit ang mga kabayo sa pakikipagbaka. Pagkatapos pilayin ang mga kabayo, walang alinlangang pinapatay ang mga ito at nililipol kasama ng mga karong pandigma. Sa pamamagitan ng di-pagkamkam sa mga kabayo ng kanilang mga kaaway at di-paggamit ng mga ito sa pakikidigma, ang mga Israelita ay maiingatan mula sa silo ng pananalig sa mga kabayo ukol sa proteksiyon sa halip na kay Jehova.​—Ihambing ang Deu 17:16; Isa 31:1, 3.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share