SINLAPAD-NG-KAMAY
Isang panukat ng haba na humigit-kumulang ay katumbas ng lapad ng kamay sa bandang ibaba ng mga daliri. Ang sinlapad-ng-kamay ay tinutuos na 7.4 sentimetro (2.9 pulgada); ang apat na sinlapad-ng-daliri ay katumbas ng isang sinlapad-ng-kamay, at ang anim na sinlapad-ng-kamay ay katumbas naman ng isang siko. (Exo 25:25; 37:12; 1Ha 7:26; 2Cr 4:5; Eze 40:5, 43; 43:13) Ayon sa Awit 39:5, sinabi ni David: “Ginawa mong kaunti lamang ang aking mga araw”; gayunman, “mga sinlapad-ng-kamay lamang” ang lumilitaw sa Hebreong tekstong Masoretiko. (Tlb sa Rbi8) Sa katulad na paraan, ginamit naman ni Jesu-Kristo ang salitang “siko”: “Sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa haba ng kaniyang buhay?”—Mat 6:27.