HARBONA
Isa sa pitong opisyal ng korte ni Ahasuero na isinugo upang ihatid kay Reyna Vasti ang salita ng hari na magpakita ang reyna sa kaniya. Pagkatapos, nang panahong mailantad ang pakana ni Haman na lipulin ang mga Judio, ang pagbanggit ni Harbona sa 50-sikong tulos na ipinagawa ni Haman para kay Mardokeo ang nag-udyok kay Ahasuero upang mag-utos na si Haman mismo ang ibitin doon.—Es 1:10-12; 7:9, 10.