HARIP
[nangangahulugang “Siya ay Nandusta (Nangutya)”].
Ulo ng isang pamilya na dito ay 112 lalaki ang bumalik mula sa pagkatapon sa Babilonya noong 537 B.C.E.; tinawag ding Jora. (Ne 7:6, 7, 24; Ezr 2:18) Ang pangalang Harip ay muling nakatalang kabilang sa mga ulo ng bayan, anupat maliwanag na kinakatawanan ng isang inapo, na nagpatotoo sa pamamagitan ng tatak sa kontrata ng pagtatapat na ginawa noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias.—Ne 9:38; 10:1, 14, 19.