HARODITA
[Ng (Mula sa) Harod].
Isang tumatahan sa Harod o isang tao na naninirahan malapit sa isang lugar na tinatawag na Harod. Ang terminong ito ay ikinakapit kina Shamah at Elika, dalawa sa makapangyarihang mga lalaki ni David. (2Sa 23:8, 25) Kung si “Shamah” at si “Samot” ay iisang tao, kung gayon ang paggamit ng “Harorita” sa 1 Cronica 11:27 ay posibleng isang pagkakamali ng eskriba para sa “Harodita,” anupat nagkaroon marahil ng pagbabago dahil sa pagkakahawig ng mga titik Hebreo na “r” (ר) at “d” (ד).