HASABNEIAS
[posible, Tinuos (Isinaalang-alang) Ako ni Jah].
1. Ama ni Hatus. Ang huling nabanggit ay nagkumpuni sa pader ng Jerusalem.—Ne 3:10.
2. Isa sa walong Levita na nanawagan sa mga anak ni Israel na pagpalain si Jehova at ang kaniyang maluwalhating pangalan at pagkatapos ay sinariwa sa kanilang alaala ang mga pakikitungo ng Diyos sa Israel bago pinatotohanan sa pamamagitan ng tatak ang kontrata ng pagtatapat na ginawa noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias. (Ne 9:5, 38) Marahil, gaya ng iminumungkahi ng mababasa sa Syriac na Peshitta, siya rin ang isa sa mga Levita na nagngangalang Hasabias, gaya niyaong binanggit sa Ezra 8:19 o sa Nehemias 10:11.