Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Heman”
  • Heman

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Heman
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Ezrahita
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Etan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Calcol
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Maloti
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Heman”

HEMAN

1. Isa sa apat na lalaking marurunong na ang karunungan, bagaman malaki, ay nahigitan pa niyaong kay Haring Solomon. Sina Heman, Calcol, at Darda ay may katawagang “mga anak ni Mahol,” isang pananalitang ipinapalagay ng ilan na tumutukoy sa isang samahan ng mga mananayaw o manunugtog. (1Ha 4:31) Sa 1 Cronica 2:3-6 ay ipinakilala si Heman bilang isang inapo ni Juda sa pamamagitan ni Zera. Sa superskripsiyon ng Awit 88 ay tinatawag siyang isang “Ezrahita,” na lumilitaw na isa pang salita para sa “Zerahita.”​—Tingnan ang EZRAHITA.

2. Anak ni Joel at apo ng propetang si Samuel na mula sa pamilya ng mga Kohatita; isang Levitang mang-aawit at manunugtog ng simbalo noong panahon ng mga paghahari nina David at Solomon. (1Cr 6:33; 15:17-19; 2Cr 5:11, 12) Bilang ama ng 14 na anak na lalaki at 3 anak na babae, pinangunahan niya ang kaniyang pamilya sa pag-awit sa bahay ni Jehova. Gayunman, siya mismo, kasama nina Asap at Jedutun, ay nasa ilalim ng tuwirang pangangasiwa ng hari.​—1Cr 25:1, 4-6.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share