HIRAM-ABIV
[Si Hiram na Kaniyang Ama].
Isang terminong ginamit may kaugnayan sa bihasang manggagawa na isinugo mula sa Tiro upang mangasiwa sa paggawa ng mga kagamitan ng templo ni Solomon. Waring ipinahihiwatig nito na si Hiram ay “ama,” hindi sa literal na diwa, kundi dahil siya ay isang dalubhasang manggagawa.—2Cr 4:16; tingnan ang HIRAM Blg. 2.