HORES
[Makahoy na Dako].
Isang lugar sa Ilang ng Zip kung saan nagtago si David mula kay Saul. Dito rin kinilala ni Jonatan si David bilang susunod na hari ng Israel, at ang dalawa ay “nagtibay ng isang tipan” ng pagsuporta sa isa’t isa. (1Sa 23:15-19) Ipinapalagay na ang Hores ay ang makabagong-panahong Khirbet Khoreisa, na mga 9 na km (5.5 mi) sa TTS ng Hebron.