Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Jacinto”
  • Jacinto

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Jacinto
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Asupre
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Asul
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ikalawang Kaabahan—Mga Hukbong Mangangabayo
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
  • Gawing Makulay ang Inyong Buhay
    Gumising!—1990
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Jacinto”

JACINTO

Isang bato na asul na asul at di-gaanong mamahalin; sa Griego, hy·aʹkin·thos. (Pangunahing tinutukoy ng salitang ito ang bulaklak na may gayong pangalan, malamang ay inilalarawan ang bulaklak na iris na matingkad na asul.) Sinasabing ang ika-11 sa mga batong pundasyon ng Bagong Jerusalem ay jacinto.​—Apo 21:20.

Sa paglalarawan sa mga hukbong mangangabayo sa Apocalipsis 9:16, 17, isa sa mga kulay ng mga baluti ay asul na gaya ng jacinto (mala-jacinto). Malamang na ang mga baluting tinutukoy ay yaong suot ng mga nakasakay sa mga kabayo. Ang dalawang iba pang kulay ng mga baluti na binanggit ay pula na gaya ng apoy at dilaw na gaya ng asupre. Dahil sa huling pananalitang binanggit na ang mga kabayo ay nagbubuga ng apoy, usok, at asupre, maaaring ang asul na gaya ng jacinto ay kumakatawan sa madilim na usok na, kasama ng apoy at asupre, ay maaaring makapinsala sa buhay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share