ILIRICO
Isang Romanong probinsiya na paiba-iba ang mga hangganan at nasa HK bahagi ng Balkan Peninsula sa baybayin ng Dagat Adriatico.
Noong panahon pagkatapos na matalo ni Tiberio ang mga taga-Pannonia at mga taga-Dalmacia noong 9 C.E., ang Romanong probinsiya ng Ilirico ay nahati sa dalawa, na nang maglaon ay naging dalawang probinsiya. Ang timugang probinsiya ay tinawag na Dalmacia nang dakong huli.
Sa Roma 15:19, binabanggit ng apostol na si Pablo na nangaral siya sa isang sirkito “hanggang sa Ilirico.” Hindi matiyak kung ang orihinal na Griego ay nangangahulugang aktuwal na nakapangaral si Pablo sa Ilirico o kung naging hangganan lamang iyon ng kaniyang pangangaral.