Waring isang lugar na ang ama, o nagtatag, ay ang Judeanong si Tehina. (1Cr 4:1, 12) Hindi tiyak kung saan ang eksaktong lokasyon ng Ir-nahas. Mas pinapaboran ng ilang iskolar bilang posibleng lokasyon nito ang Deir Nahhas, na mga 20 km (12 mi) sa KHK ng Hebron.