ITTAI
[pinaikling anyo ng Itiel].
1. Isang mandirigmang Giteo, malamang na mula sa Filisteong lunsod ng Gat, na napakamatapat kay David. Nang tumatakas si David at ang kaniyang mga tagapaglingkod mula sa Jerusalem dahil sa paghihimagsik ni Absalom, 600 Giteo ang sumama, kabilang na si Ittai. Hinikayat ni David si Ittai na huwag umalis ng lunsod, ngunit ipinahayag ng mandirigma ang kaniyang matinding debosyon sa mga pananalitang ito: “Buháy si Jehova at buháy ang panginoon kong hari, sa dakong paroroonan ng panginoon kong hari, maging sa kamatayan man o sa buhay, ay doon paroroon ang iyong lingkod!” Sa gayon ay pinahintulutan ni David si Ittai na sumama sa kaniya.—2Sa 15:18-22.
Pagkatapos bilangin ang kaniyang mga hukbo, inatasan ni David ang di-Israelitang si Ittai, kasama sina Joab at Abisai, bilang mga pinuno, bawat isa sa isang katlo ng hukbo.—2Sa 18:2, 5, 12.
2. Isa sa makapangyarihang mga lalaki ni David; isang Benjamita at anak ni Ribai ng Gibeah. (2Sa 23:29) Tinatawag siyang Itai sa 1 Cronica 11:31.