JADA [malamang na pinaikling anyo ng Jedaias, nangangahulugang “Alam ni Jah”]. Isang inapo ni Juda sa pamamagitan ni Jerameel. Nakatala si Jada bilang anak ni Onam at ama nina Jeter at Jonatan.—1Cr 2:3, 25, 26, 28, 32.